Leodegario Victorino Elementary School
#332 A. Bonifacio Ave, Marikina City
Kasaysayan
Ang Leodegario Victorino Elementary School ay kilala bilang Tañong Barrio School na may dalawang silid-aralan na pangunahing ginamit ng mga estudyanteng nasa una at ikalawang baitang noong 1914. Itinayo ito sa lupang ibinigay ng pamilya Tuazon, ngunit may iniwang kondisyon na sakaling dumating ang pagkakataon na ang paaralan ay kinakailangang ip+--asara o tanggalin, ang nasabing lote ay kinakailangang ibalik sa pamilya Tuazon. Naging isang malaking bahagi ng kasaysayan ang paaralang ito sa panahon ng digmaang Amerikano at Hapon noong 1941. Inukupahan ng mga Hapon ang isang gusali at sinunog ito bago sila lumikas patungo sa bundok.
Noong 1950, naitayo ang isang gusali na Gabaldon-type, sa pagsisikap ng PTA, mga kababaryo at mga guro. Ito ay tinawag na Jesus dela Peña - Tañong Elementary School. Sa paglipas ng taon, patuloy na nadagdagan ang mga gusali at isa na rito ang Rodriguez-type na nakatayo pa hanggang sa kasalukuyan.
Sa pagsisikap ni Ginoong Isidro Salvador, ang dating Punong Guro ng Marikina Central School, naitatag ang isang gusali na nagbigay daan upang makumpleto ang Primary School na sa kalaunan ay naging paaralang pang-Elementarya. Si Ginoong Victorino Santos ang naitalaga bilang kauna-unahang Punong Guro.
Noong 1964, ang gusaling pantahanan ay naitayo at kasunod nito ang Munding type shop building. Noong 1971 naman ay naitayo ang anim na silid-aralan at dalawang palapag na gusaling Marcos-type.
Noong 1973, ay tinibag ang gusaling Gabaldon upang maitayo ang gusaling may dalawang palapag at labing anim na silid - aralan sa kagandahang-loob ng Gobernador ng Rizal na si Ginoong Isidro Rodriguez.
Mula sa Tañong Barrio School, na naging Jesus dela Peña – Tañong Elementary School, at kalaunan ay pinangalanan bilang Leodegario Victorino Elementary School bilang pagkilala kay Leodegario Victorino, tubong Jesus dela Peña at kauna-unahang Superintendent ng Filipino Schools Division ng Rizal, na isang tanyag at nangungunang lalawigan sa Pilipinas sa panahong iyon.
II. Mga Datos Ukol sa Paaralan
Pangalan ng Paaralan – Leodegario Victorino Elementary School
Talambuhay ni Leodegario Victorino
Kung tayo ay magbabalik- tanaw sa pinagmulan ng Leodegario Victorino Elementary School sa taong 1914, ito ay kilala bilang Tañong Barrio School na may dalawang silid-aralan na pangunahing ginamit ng mga estudyanteng nasa una at ikalawang baitang.
Itinayo ito sa lupang ibinigay ng pamilya Tuazon, ngunit may iniwang kondisyon na sakaling dumating ang pagkakataon na ang paaralan ay kinakailangang ipasara o tanggalin, ang nasabing lote ay kinakailangang ibalik sa pamilya Tuazon.
Sa pagsisikap ni Ginoong Isidro Salvador, kasalukuyang Punong Guro noon ng Marikina Central School, isa pang gusali ang naipatayo, na nag bigay daan para makumpleto ang Primary School na sa kalaunan ay naging paaralang pang Elementarya at si Ginoong Victorino Santos ang naitalaga bilang maging kauna unahang Punong Guro.
Naging isang malaking bahagi ng kasaysayan ang paaralang ito sa panahon ng digmaang Amerikano at Hapon noong 1941.
Inukupahan ng mga Hapon ang isang gusali at sinunog ito bago sila lumikas patungo sa bundok.
Noong 1950 , naitayo ang isang gusali na Gabaldon-type, sa pagsisikap ng PTA, mga kababaryo at mga guro. Ito ay tinawag na Jesus dela Peña - Tañong Elementary School. Sa paglipas ng taon, patuloy na nadagdagan ang mga gusali at isa na rito ang Rodriguez-type na nakatayo pa hanggang sa kasalukuyan.
Noong 1964, ang gusaling pantahanan ay naitayo at kasunod nito ang Munding type shop building. Noong 1971 naman ay naitayo ang anim na silid-aralan at dalawang palapag na gusaling Marcos-type.
Noong 1973, tinibag ang gusaling Gabaldon upang maitayo ang gusaling may dalawang palapag at labing anim na silid - aralan sa kagandahang-loob ng Gobernador ng Rizal na si Ginoong Isidro Rodriguez.
Mula sa Tañong Barrio School, na naging Jesus dela Peña – Tañong Elementary School, at kalaunan ay pinangalanan bilang Leodegario Victorino Elementary School bilang pagkilala kay Leodegario Victorino, tubong Jesus dela Peña at kauna-unahang Superintendent ng Filipino Schools Division ng Rizal, na isang tanyag at nangungunang lalawigan sa Pilipinas sa panahong iyon.
Istraktura sa loob ng Paaralan
NOON
Stage and Rodriguez Building
Marcos Building
Harapan ng Paaralan
Bahay-Kubo